|
Post by Archivist on Sept 25, 2010 19:32:20 GMT -8
"Ulan at Luha" ni: Perfect Zero
Sa bawat pagpatak at pagbuhos ng ulan Sa aking isipa’y, sumasagi ang nakaraan Masakit na alaala kinakalimutang pilit Panibagong umaga aking iginigiit.
Madilim na kalangitan, ulang ayaw magpatigil Pusong nsasaktan, damdaming di mapigil Patuloy ang pagbaha, patuloy ang pagluha Ng pusong sawi sa kanyang pagdurusa.
Patak ng ulan patuloy na dumarampi Sa aking mukhang pagod na sa paghikbi Kung ikaw ulan ay sadyang hihinto, Pakiusap, dalhin ang sakit sa iyong paglayo!
Panibagong umaga aking haharapin Lalim ng baha, aking susuungin Ang ulap at mata ay sadyang magkapareha Bumabagsak na lang ang 'ulan at luha'.
Wakas
|
|