|
Post by Vermeil Crescent on Jul 15, 2010 1:44:56 GMT -8
“Kapanglawan”
Dumadampi ang lamig ng hangin ng gabi; Larawan ng nakaraan ay bumabakas sa pisngi; Labi’y nais umawit sa lumbay ng sandali; Habang mumunting alaala’y paulit-ulit na sumasagi.
Sa kailaliman ng pag-iisip ay may nagugunita; Ang kislap ng kahapon wari’y nagpapakita; Lungkot at saya’y sabay na nadarama; Muling sumusulyap ang aking mga mata.
May halimuyak na dala, ang himig ng pag-iisa; Kariktan ng mga bituin, may liwanag at kalinga; Lawak ng kalangitan, kaygandang ipinta; Upang maipahayag, mga lihim na pagsinta.
Sa isang tabi’y naramdaman and dahop ng buhay; Sisirin ang lalim ng mga luhang nagsasalaysay; Sa kabila’y naroon ang mga kaibigang tunay; Kagalakang dala nila’y walang kapantay.
May tamis at pait ang mga nagdaang taon; May mga pangungulilang di masabayan ng panahon; May mga sugat na kaytagal man maghilom; Kukupkupin pa rin ng makabuluhang ngayon.
Ng aking masdan, salamin ng ibang buhay; May masisidhing kuwento at kani-kaniyang kulay; Sa bawat lakas at kahinaang taglay; Mabudhing pasasalamat ang pinagpupugay.
Muling umihip ang simoy na nawaglit; Dahil sa pagmumuni, mata’y pumikit; Sa pagpatak ng luha’y nawala ang sakit; Ng kapanglawan na sa aki’y pumipilit.
---------------------------------------------------------------------------
Ayan. Di ko akalain non na mkkpagsulat aq ng tula sa wikang tagalog. Napilitan kasi para sa Filipino project naming newspaper nung 2nd year. ^^')
|
|
|
Post by Paradoxymoron on Jul 15, 2010 2:18:37 GMT -8
Unang tula nga. Salamat sa pagbabahagi samin ng iyong tula ate. ^^, Nagtataka nga ako, parang ang hirap magsulat ng tula sa wikang Tagalog samantalng ito namn ang ating pangunahing wika. kung di lang kailangan e baka d n makapag sulat. wag naman sana.
|
|
|
Post by Vermeil Crescent on Jul 15, 2010 6:16:53 GMT -8
waw tgalog na tgalog n reply. onga eh bkit nga ba ganun ^^'? parang and dami kasing words na kailangan pag sa tgalog mgsusulat. xD pero mganda nman kung tutuusin
|
|
|
Post by Paradoxymoron on Jul 15, 2010 16:51:49 GMT -8
Syempre ate. Dapat tagalog lang dito hehe. May bayad n piso pag nagsalita ng wikang Ingles. ^^, madami kasing silabo ang mga salita sa wikang tagalog, kaya humahaba.
Maganda naman sya, nakokornihan lang yung iba. Buti na lang dumating si Bob Ong at binalik ang respeto s wikang Filipino.
|
|
|
Post by Vermeil Crescent on Jul 17, 2010 5:44:56 GMT -8
may anim na piso na ako. xD kasama ung typo na ngayon ko lang napansin ^^' hehe. hayskul ito. ...sa totoo lang, wala pa akong nababasa na libro ni bob ong. dami ko lang ntatanggap na txtquots nya^^mukhang mdami siyang nabighani sa mga sinulat niya
|
|
|
Post by Paradoxymoron on Jul 17, 2010 15:34:37 GMT -8
^ hmmm... opo, marami naman, para kasi sya yung modernong makatang Pilipino, hindi masyadong gumagamit nung masyadong malalalim n Tagalog, pero maganda p rin ang kinalabasan ng mga sinulat nya.
|
|