Post by Hazura on Jul 22, 2010 20:24:21 GMT -8
Actually, pumasok lang ito sa isipan ko, sana matapos ko siya kasi kadalasan mga gawa ko ay unfinished... sana magustuhan niyo.
JS Prom namin nun, naiinggit ako pagkat halos lahat ng mga kaklase ko ay may kasayawan. Naiwan lang ako sa bleachers pagkat wala talaga ako hilig sa mga ganitong event. Pansin ko na ang aking mga kaklaseng babae ay nakapulupot sa leeg ng kanilang kasayaw, para silang mga ahas kung makalinkis at mga kaklase kong lalaki ay nakahawak sa baywang ng kasayaw nila. Naasiwa ako, "Bakit nila kailangang gawin 'yun?"
Naisip ko, paano kaya 'pag andun na ko sa dance floor? Ano ba ang pakiramdam ng may lalapit sa'yo na mala-prinsipe at aayain ka magsayaw? Masaya ba? Iyan mga tanong na bumabagabag sa isipan ko. Lalo na, mga kaklase ko ay may kanya-kanyang kapareha.
Nagtilang audience ako, halos lahat sila ay nasa baba. Nakakapagod palang maghintay ng prinsipe... prinsipe na magliligtas sa kin mula sa madilim na kinauupuan. Prinsipe na sasagip sa'kin mula sa kahihiyan. Sino kaya siya? Napapikit ako...
"Maari ba kitang maisayaw?
Ako'y tumingala at isang prinsipe ang nakalahad sa'kin, iniaabot ang kanyang kamay.
"'Wag ka ng umiyak, aking prinsesa."
Iniabot ko ang aking kamay at bumaba kami sa patungo sa dancefloor. Napansin ko ang limelight ay nakatuon lang sa'min. Sinimulan niyang lingkisin ang aking baywang patungo sa kanya at ako naman ay lumingkis sa kanyang leeg. May naramdaman akong kuryente na hindi mawari.. pero ito'y naghahatid ng kilig mula sa aking baywang patungo sa aking namumula na mukha.Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko o ikikilos sa harap niya. Naguguluhan ako. Ano ba ang magandang sabihin sa isang prinsipe na kaharap ko? Aywan ko kung ano... nanaig ang katahimikan sa amin habang sinasayaw ang mabagal na tugtog.
"Nananahimik ka 'ata. May problema ba?". ang prinsipe na ang pumutol sa makapigil-hininga na katahimikan.
"MICHELLE"
"MICHELLE!!!!!!!"
Minulat ko ang aking mga mata sa isang tawag, kaklase ko, pasigaw pa.
"Ano ba 'yun, ah?"
"Tumingin ka sa likuran mo."
Lumingon ako at tumambad sa akin ang isang lalaki. Nakasuot siya ng blue na long sleeves na polo. Nakangiti sa harapan ko. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko.
"Ayoko...", sagot ko.
"'Wag ka ngang mag-inarte diyan.". sabi ng aking kaklase ko.
"Ahh...Michelle...", sagot ng lalaki sa akin.
"Ano 'yun?", pataray kong sagot sa kanya.
Nakayuko siya sabay abot sa kamay niya. "M-ma-maari b-ba k-k-kitang........m-ma-maisayaw?"
Nagulat ako, is this for real? Ang lalaking ito ang nag-aya sa'king magsayaw. Hindi siya mukhang prinsipe, hindi siya ganung kagwapuhan, hindi matipuno ang kanyang katawan gaya ng inaasahan ko at hindi rin siya maporma. Bakit ako? Muli kong naisip, kahit wala siyang itsura ay nagawa niya kong ayaing isayaw. Sa halos 500 lalaki na naroon ay siya lang ang naglakas-loob. Inabot ko ang aking kamay patungo sa kanya at ako na mismo naghatak sa kanya pababa ng dance floor. Nakayuko ako habang bumababa doon, umiiyak ako pagkat sa wakas, may nag-ayang makipagsayaw. Sa wakas, may nakapansin at tinanggap ako ng buong-buo.
Sa buong talambuhay ko, lahat ng lalaki sa amin ay tingin sa akin ay maliit, hindi kagalang-galang, kabastus-bastos dahil lagi ako pinagtitripan pero siya... siya... nagawa niya kong tanggapin.
Nasa baba na kami, hindi namin alam kung sino mauuna sa aming kikilos. Nagkailangan kumbaga.
Siya na gumawa. Gamit ng kanyang kaliwang kamay. hinawakan niya at bahagyang tinaas ang aking braso at ang kanyang kanang braso ay nakahawak sa aking baywang. Namula ako pagkat ito ang unang pagkakataon.
"Bakit ka nakapikit kani-----"
"Ano ba 'yan!!!!"
Umepal ang aking kaklase at inayos ang pagkakahawak niya sa akin.
"Ganyan dapat." saka iniwan na kami.
Nakaayos kami gaya ng nasa imahinasyon ko kanina.
"A-ano ba sasabihin mo kanina?", tanong ko.
"Ah, 'yun ba... bakit ka nakapikit kanina?"
Lalo ako namula, hindi dahil sa imahinasyon ko pero sa mga mata niya. Nakatingin siya direkta sa akin. Hindi ako sanay ng eye-to-eye contact. Napayuko na lang ako sa sobrang hiya.
"Kasi...." bigla na lang tumulo ang luha sa aking mga mata. "....natatakot ako."
"N-natatakot s-saan?"
Lalo kong hinigpitan ang paglilingkis sa leeg niya. Halos magkadikit na kami, mga ilang pulgada ang distansya. "Alam mo ba, hindi ko inaasahan na ikaw ang lalapit sa'kin... natatakot akong mag-isa!
"Buong buhay ko, namuhay ako sa kantsyaw ng mga kaklase ko. Hindi ko alam kung totoo ba o hindi mga naturingan kong kaibigan. Hindi ko rin alam kung may tumanggap ba sa akin, kung sino ba ako? Kung ano ako?", halos umiiyak na ko sa kanyang dibdib, ewan ko ba kung nababasa ko na ang kanyang polo dahil sa luha ko.
"Hindi kita iiwan sa ere."
Napatingin ako sa kanya, ewan ko ba kung sira na make-up ko dahil sa pag-iyak. Wala na ko pakialam.
"Totoo ba narinig ko?", tinanong ko siya ulit.
"Totoo 'yun. Noong una, akala ko katulad ka ng iba kong kaklase na babae. Mga mahilig sa kolorete, papalit-palit ng nobyo, hindi palaaral gaya nila...pero..."
Hinaplos niya ang kaliwang pisngi ko. "...iba ka sa kanila, Michelle. Nagkamali ako dahil ganun din ang tingin ko sa iyo. Nagkamali ako dahil nakisali ako sa mga kaklase kong lalaki para asarin kita...mali pala ang tingin nila sa'yo. Baliw, Sisa, Toyo ika nila pero mali sila. Ang totoong Michelle ay simple at matalino. Ang totoong Michelle ay nasasaktan din sa mga biro ng mga ito. Nakukuha pa niyang ngumiti at bumati sa kabila ng nararanasan niya....kaya ako, narito ngayon para..."
Ngumilid ang mga luha. Gusto nilang pumatak ulit, ang nagawa ko na lang ay yakapin siya.
"Salamat...salamat at tinanggap mo ko.", yan na lang ang aking tugon.
"Mahal kita, Michelle at kahit kailan, hindi kita iiwan."
Ewan ko ba, natapos na ang mabagal tugtog at napalitan ulit ng bago.Hindi ako humiwalay sa kanya. Nais kong manatili sa mga bisig niya hanggang matapos ang prom. Hindi ko rin alam kung kami na nga ba o hindi.