|
Post by Polaris on Aug 1, 2010 19:39:08 GMT -8
"alaala sa unos" by m.p. macariola aka Polaris
kandilang nauupos ang magdamag bago pa man bumuhos ang ulan ramdam ko ang lamig na dala ng hangin kumutan mo ako ng iyong mga ala ala
masarap isipin na mayakap kang muli o mahawakan man lang ang iyong mga kamay saksi ang mga anino ng kahapon sa aking pangungulila
hindi ko nais na tumigil ang ulan at masilip ang bahagharing pumipinta sa langit maaalala ko lamang ang iyong ngiti na nagtanim ng lungkot sa aking ulirat
|
|
|
Post by Vermeil Crescent on Aug 14, 2010 23:24:44 GMT -8
mganda ung thought (khit malungkot) tsaka imagery khit wlang rhymes..mejo nabother lang aq sa word na ulirat^^'hmm.. other than that, fave ko ung 1st 3 lines ng 3rd stanza~
p.s. - mr.founder, nhihirapan aq itagalog ung ibang terms kya taglish nlng ;p
|
|
|
Post by Paradoxymoron on Aug 16, 2010 1:13:25 GMT -8
Naku, ayos lang po yun ate Crescent. ^^, Ayun. ulirat o gunita, alaala? parang yan ung naiisip ko. hehe. Polaris - mas piliin mo ung gagamiting mong mga salita, marami pang mas magandang pakinggan.
|
|