Post by Hazura on Aug 10, 2010 3:25:28 GMT -8
<Photo 1>
Ikaw ba ay may karelasyon pero may napupusuan ka ba na iba? Marahil isa ka sa mga taong salawahan o kung tawagin ay "Torn-Between-Lovers-Feeling-Like-A-Fool" na drama.
Aminado ako na naging ganun din ako (paminsan-minsan). Hayaan niyo kong mag-emote at gumawa ng kabalbalan dito (hanu ba, moment ko 'to noh? Basta magbasa ka na lang at ilike/icomment mo 'to afterwards). xDD
~CHAPTER ONE~
Itago niyo na lang ako sa pangalang 'Mika'. High school pa lang ako nang ako'y magka-boyfriend at hanggang ngayon, nasa 4th year college na 'ko ay going strong pa rin kami. Kung paminsan-minsan ay nagiging shaky rin ang aming relasyon dahil na rin sa mabababaw na bagay, gaya sa mga ka-texts namin, 'pag nag-aadik na siya sa DoTA at sa mga kursunada namin. Dami noh, pero at least ay naayos namin agad 'yun.
Isang araw, may hindi inaasahan na nangyari sa buhay ko. Nakilala ko si Charlie. Nakilala ko siya sa isang drawing guild. Napakahusay niyang mag-drawing at sa mga literary pieces gaya ng tula, maikling kwento at nobela. Kapag may bago siyang gawa ay pinapadala niya sa 'kin to thru e-mail (dati snail mail pero umuunlad na tayo kaya sa e-mail na) at ako naman ang nagki-critic dito. Aywan ko ba kung bakit ako napiling mag-critic nito, hindi ako marunong sa mga ganung usapin. Ang alam ko lang magbasa ng gawa niya. Madalas na rin ang pagte-text namin, minsan umaabot pa ng madaling araw, minsan pa nga, wala ng tulugan. Hindi ito alam ng aking boyfriend na ito ginagawa ko, minsan maaga na 'ko nagpapaalam na matutulog na 'ko para lang makipag-text sa kanya.
Hanggang sa nakatanggap ako ng text galing kay Charlie.
"Mimi, pupunta ako ng Manila ngayon. Meet tayo "
Nagulat ako, pupunta si Charlie sa Manila, taga-Cavite kasi siya.
"Bakit naman?", reply ko sa kanya.
Agad naman siya nag-reply.
"Isasama ako ng tita ko diyan, mga 3 araw naman ako dito tapos uuwi na. Naalala ko na taga-Manila ka, so baka magkita tayo. ^_^"
Kinabahan ako. Bakit ba gusto niya ko makita? Baka malaman ng boyfriend ko na makikipagkita ako kay Charlie. Wala pa naman siyang alam kung sino talaga siya, kung ano siya sa buhay ko, etc.etc. Haayy, bahala na. Nandiyan na 'yan eh. Kaibigan ko naman si Charlie, so wala namang masama na makipagkita ako sa kanya. Nagreply ulit siya.
"Ano, meet tayo? Gusto na kita makita, Mimi."
Hindi ko alam ang re-reply ko. Umiral na naman si subconscious at na-reply ko: "Sige, saan ba tayo meet?" Patay, na-send ko bago ko ma-cancel. Gumawa na naman ako ng aksyon ng hindi nag-iisip. Bakit ko na-reply ang ganito?
"Waaaa,.. wala akong lugar sa Manila, Mimi, eh. First time ko pupunta diyan eh. ", reply niya.
Nainis ako, may pagka-primitibo si Charlie. Wala siyang alam sa Manila. Grrr... oh well, napagdesisyunan ko sa SM Manila kami magkita at 'yun ang na-reply ko.
"Saan 'yun?", reply niya.
Halos mabaliw ako sa reply niya. OMG, SM Manila na lang, eh. Inuwaan ko na lang. Wala siya alam na lugar sa Manila. Tinanung ko kung saan siya tutuloy.
"Sa UN Avenue."
BINGO! Malapit dun ang SM Manila. Ni-reply ko na malapit lang 'yunat magtanong na lang siya sa tita niya kung saan. Nakapag-set na kami ng meeting. August 18 kami magkita, sa SM Manila. Patay, hindi ko alam itsura niya. Puro primary niya kasi sa kanyang Facebook ay anime. T___T waaa, isang problema 'yun.
"Panu tayo magkikita kung hindi ko alam itsura mo. Daya mo naman kasi eh. Puro anime primary...T_T", reply ko.
"Wahahaha..ganun ba? Oh well, suotin ko na lang sa meeting natin ay black t-shirt. Naka-glasses ako. Pangit ako ah "
"Waaaii, okay lang 'yun noh. Kaibigan naman tayo eh. Kahit ano ka pa, tatanggapin kita."
"Nyaaaiii, ganun ba, Mimi? Ikaw ba, ano ba susuotin mo 'pag nagkita tayo?"
"Ahmmm.. suotin ko ang pink na blouse. Gaya dun sa primary ko sa Facebook."
"Ahahaha.. makikita ko ang kagandahan mo niyan, Mimi. ) Saan tayo sa SM magkikita at anong oras?"
Napaisip ako kung saan.. hmmm.. nag-isip ako. Hanggang napagpasyahan ko sa Jollibee na lang kami magkita at mga after lunch kami magkikita. Siguro alam na niya 'yun. Madali namang makita 'yun. 'K' na lang ni-reply niya sa'kin.
~o~
August 18 ---- THIS IS IT! Magkikita na kami ni Charlie at last! ~ infairness, ang aga ko. Mga bandang 12:45 PM ako dumating. Hindi halatang excited ako sa meeting namin. Palinga-linga ako sa labas ng Jollibee. Hinahanap ang lalaking naka-tshirt, nakasuot ng glasses at... waaaa... 'yun lang description niya. Madami akong nakikita na parehong naka-black at naka-glasses. May mga emo, mga jejemon, mga gangstah. Hindi naman siya ganun, noh? Hanggang sa hindi inaasahan, may isang lalaki na kapareho ng description na pumasok sa Jollibee. Palinga-linga rin. Malamang hinahanap ako. <i>Ano ba, nandito na 'ko, tutuklawin ka na.. Sssss"</i>, sabi ko sa sarili ko.
Maya-maya bigla siya lumapit. Waaaaahh, ang gwapo niya sa malapitan. Mukha siyang anime!!! Ako kaya ang hinahanap nitong gwapong lalaki na ito?
"Excuse me, ikaw ba si Mimi?", tanong niya.
Waaaa... siya na nga!!! Siyang-siya na nga. Ang ka-textmate at naturingan na friend sa drawing guild, si Charlie aka Momo. Matangkad siya, mga 5'9" ang height, chinito at medyo payat pero okay lang.
"Oo.", sagot ko sa kanya.
Ngumiti siya sa'kin. Pamatay ang ngiti kahit may braces ang loko.
"Hindi ka naman pangit ah.", sabi ko sa kanya.
Tumawa lang siya. "Ganun ba? Pasensya na, 'yun kasi sabi sa'kin ng nililigawan ko, eh.", aniya. Umupo siya sa tapat ko. Mahiyain pala, nakayuko parati. May kinuha siya sa bag niya. Sosyal ng bag, Jansport na original. Mayaman, sabi ko sa sarili ko. May inabot siya sa'kin, isang sketch pad. "For you...alam mo ba, habang hinihintay ko dumating ang araw na ito, naguhit ko lahat ng iyan."
Binubuklat ko ang laman ng sketch pad. Bakit puro ako d-in-rawing niya? May anime version, portrait, may vocaloid version na hinantulad kay Miku Hatsune, may drawing din na kaming dalawa ni Charlie, nakakatuwa pero sadly, taken na ang lola niyo. Sayang naman..
"Thank you, Charlie."
"Wala 'yun. Wala lang ako magawa niyan. 'Buti pumunta ka, 'kala ko iindiyanin mo ko."
"Hindi noh.", giit ko. "Nakakaawa ka naman 'pag hindi kita siputin.", dagdag ko.
Napailing na lang siya. "Haha, ganun ba, Mimi? Pasensya ka na, ah. Naabala 'ata kita."
"Nyaaa, ano ka ba, hindi noh?", pagalit kong tugon pero pakunwari 'yun. Arte ko, noh?
Matagal kong pinagmasdan si Charlie, parang may kakaiba akong naramdaman sa kanya. Parang....baaahh, ewan! Basta nakita ko na rin si Charlie sa wakas.
"Kumain ka na ba?", tanong ni Charlie sa 'kin.
Tulala lang ako.
"Uy" winagayway na nya ang kamay niya sa mukha.
"Wui.", tanging nasagot ko.
"Ika ko, kumain ka na ba?", inulit ni Charlie ang tanong niya kanina.
"Oo, kumain na ko.", sagot ko.
"Gusto mo ba ng meryenda?", tanong niya ulit sa 'kin. "Treat ko." sabay kindat.
<i>Natural, lalaki ka.</i>, sagot ko sa aking sarili. Napaisip ako kung ano ang gusto kong meryenda? Sundae? Apple Pie? Yumburger? Gulung-gulo isipan ko.
"Ano ba gusto mo?", tanong niya.
Nag-meenie-mi-mimo ako sa menu ng Jollibee at naturo ko ang sundae. "Sundae na lang siguro."
"Okay. Sundae na lang din ako." at diretso na siya sa counter. Mahaba ang pila nun at pinagmasdan ko ang stance niya. Straight body siya at kitang-kita ko ang katangkaran niya. Marahil, naglalaro ito ng basketball o kahit anong sport. Nakakatuwa siyang pagmasdan, kung ganyan lang siguro ang boyfriend ko. Bigla ko lang naalala na may boyfriend pala ako. <i>Paano 'pag nalaman ng boyfriend ko na nakipagkita ako kay Charlie? Paano kaya kapag nalaman niya na siya ang dahilan kung bakit ako magsasawa? Paano kaya? </i>
wahaai, natapos na ang Chapter 1? Tuloy ko ba? Please put your criticisms here.