|
Post by Polaris on Aug 23, 2010 1:30:33 GMT -8
i wrote this almost 2 years ago
"Kape sa magdamag" By m.paolo macariola a.k.a. polaris
Binuhos ko ang isang paketeng nescafe sa kaldero ng kumukulong tubig sa pagbabakasakaling ang pagsasama ng pait at init ay mas may kakayahang pumaso at lumapnos ng labi isasama ko na rin ang isang basong asukal sa kagustuhang mapagtakpan ng tamis ang kumukulong pait huli ko namang ihahalo ang gatas kahit na alam kong kahit kaila'y hindi nito mapapaputi ang mga bagay na likas ng maitim
mabilis ko itong hahaluin pakaliwa pakanan pakaliwa pakanan hangang sa mapagisa ko ang nescafe, asukal at gatas hangang mapagisa ko ang pait, tamis at pagpapangap
tapos na akong magtimpla ng kape para sa magdamag ngunit wala ka na sarili ko nalang pala ang siyang kukumbinsihin na masarap ang pinaghalo halong nescafe, asukal at gatas mag-isa ko nalang rin pala sisimulang ubusin ang tinimpa kong pait, tamis at pagpapangap
|
|
|
Post by Paradoxymoron on Sept 1, 2010 2:36:09 GMT -8
Isa to s mga pinakakagusto ko s mga gawa mo. hehe
Eto alng po masasabi ko: ung sa paggamit mo ng "nescafe", hindi naman bawal paggamit nun pero para sakin dapat iwasan yun. hehe. pwede naman ung kape lang d b?
tapos ung mapagisa, una kong intindi dyan e parang igigisa ung kape, asukal at gatas. "mapag-isa" b ibig mong sabihin dun?
ayun lang naman. maganda itong tulang ito. ^^.
|
|