Post by Hazura on Aug 26, 2010 3:06:38 GMT -8
Kahit papaano, nakikita ko naman na mabuting tao si Former Sr. Inspec. Rolando Mendoza. Gayumpaman, biktima lang siya ng hindi makatarungang sistema ng gobyerno. Napagbintangan siya sa extortion case na hindi siya kasama at masama, nasibak siya sa pagiging pulis. Isang taon na lang at mareretiro na siya at dahil nga sa nangyari, wala pa siyang makukuhang pensyon na galing sa gobyerno kaya niya nagawa iyon na i-hostage ang mga HK Nationals. Wala siyang intensyon na patayin ang mga taong naroroon pero napuno siya dahil sa ginawang panghuhuli sa kapatid niya at sa kanyang pamilya. Napapanood niya lahat ng nangyayari sa labas. Hello...~ may TV din kaya sa bus na iyon so aware siya sa mga nangyayari.
In general, kasalanan ng pulis at ng media iyon. Pulis dahil hindi nila nagawang solusyunan ang patayan. Kung susundin man nila ang gusto niya, hindi na hahantong sana sa ganito, nakasaad iyon sa isang kritiko ng BBC (tama ba?). Sa Media naman, hindi nila dapat i-cover ng buo ang hostage drama. Dapat kahit papaano, may limitation silang gawin iyon. Sila rin ang dahilan kung bakit lumala ang ganito. Napapanuod niya bawat kilos at plano ng pulis sa labas.
Siguro tama rin ang ginawa ng mga pulis na kasama dun na bumitiw sa kanilang mga pwesto, gayundin ang mga SWAT. Dahil sa inyo [SWAT], nag-iba ang tingin ko sa inyo. Ang meaning ng SWAT ay biglang nag-iba: Sugod.Wait.Atras.Takbo at Sorry, Wala Akong Training. Dapat si Golgo 13 na lang pinatawag niyo (joke xD). xDDD
Para sa mga HK Pipz, patawarin niyo kami. Sana naman, huwag niyong ibuntong ang mga galit niyo sa mga Pilipinong naroroon, wala silang kinalalaman sa nangyayari. Kahit papano, sila'y naririto para pagsilbihan kayo at tratuhin kayo ng mabuti. Huwag niyo kaming ihalintulad sa kanila dahil iba sila at ganun din kami. Salamat kay Jackie Chan dahil sa kabila ng nangyari ay pinatawd kami. Sana naman, huwag kayong magdedeklara ng giyera. Make love, not war. Idaan na lang natin sa mabuting usapan ang lahat.
Para naman kay Rolando Mendoza, kung nasaan ka man, sumalangit nawa ang iyong kaluluwa. Alam ko na nagawa mo iyon dahil sa iyong galit at hinaing. Alam ko na naging mabuti kang tao noong nabubuhay ka pa. Hindi ang panghohostage ang solusyon sa lahat ng iyon, pero nandiyan na iyan at nagawa mo iyon. Sana mapatawad ka ng ating Panginoon sa iyong mga ginawa. Siguro, kung hindi mo iyon nagawa, marahil payapa ka na lang nabubuhay sa Tanauan at tutuloy ang iyong plano sa pagtakbo bilang Baranggay Captain. Hindi mo rin mababalo ang iyong asawa at mawawalan ng ama ang iyong mga anak. Hindi mo rin siguro mapapatay ang mga Chinese na lulan ng bus ng iyong h-in-ostage.
Sana naman ay maayos itong lahat. Manalig tayo sa Kanya at magsilbi itong aral para sa ating lahat.
Maraming salamat.
Comments, criticisms and likes are highly appreciated.
Ready na ko sa mga flames ng Anti-Rolando Mendoza dito. xD